Tulalang Tula

ang tanging naglalakad at nagmamadali

habang ang lahat ay pagal at pauwi

sumasalubong, nagkukumahog

wariy nagsasagwan ng salungat sa agos ng ilog.

"Pagod ang sa kin ay bumabati

sa tuwing akoy magsisimulang pumasok,

nakakatawa pero ang araw ko

nagsisimula lamang pagsapit ng gabi."

tulog, simpleng pangangailangan

sa kanya’y kaibigan ngunit kaaway kung minsan

sa pag idlip nadarama ang tunay nitong halaga

sa pagbukas ng mga mata’y napapaluha, mapuputla.

ngayon, ang pagsikat ng araw

pugad, puyat, gutom sa pahinga’y uhaw

inaabangan ng pagod mong katawan

humiga sa pinadilim mong kuwarto’t higaan.*

*ang lahat ay may kaniya kaniyang hamon at pagsubok

manatili kang matatag at matapang

matalino ka at may paniniwala, kaya mo yan, kaya MO!

3 Responses to “Tulalang Tula”

  1. phoebe grace Says:

    napadaan lang………….
    padaan ha,dumaan na ko..sige…

  2. phoebe grace Says:

    napadaan lang………….

    padaan ha…………….

    dumaan na ko..sige…

  3. che_mae Says:

    wow!!! hndi ko sinasadyang maopen ito. i was looking for an epic entitled tulalang..
    jejeje…it sounds weird noh???

    no choice eh..
    cge yngat s makabasa nito..

    here’s my account in friendster pla..invite nio koh huh?
    chineizh_18@yahoo.com
    salamat sa pag invite..
    God bless…

Leave a Reply