Tulalang Tula

Ang tanging naglalakad at nagmamadali
habang ang lahat ay pagal at pauwi
sumasalubong, nagkukumahog
wariy nagsasagwan ng salungat sa agos ng ilog.

“Pagod ang sa kin ay bumabati sa
tuwing akoy magsisimulang pumasok,
nakakatawa pero ang araw ko
ay nagsisimula lamang pagsapit ng gabi.”

Tulog, simpleng pangangailangan
sa kanya’y kaibigan ngunit kaaway kung minsan
sa pag idlip nadarama ang tunay nitong halaga
sa pagbukas ng mga mata’y napapaluha, mapuputla.

Ngayon, ang pagsikat ng araw
pugad, puyat, gutom sa pahinga’y uhaw
inaabangan ng pagod mong katawan
humiga sa pinadilim mong kuwarto’t higaan

Leave a Reply